Skip to main content
Paggamit ng mag hayop sa pabula
Ang pabula ay isang kwentong bayan na kathang-isip lamang at ito ang karaniwang isinasalaysay sa mga bata upang sila’y aliwin at pangaralan ngunit karapat-dapat ba o hindi ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula?Posible rin bang hindi ito Karapat-dapat dahil ang paglalarawan sa mga hayop ay masama?Maaari din ba ito dahil ito ay kathang-isip lamang o hindi dahil baka masama ito?
Sa aming palagay,karapat-dapat ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula dahil ang pabula ay bahagi ng ating panitikan kung saan ito ay isang kwento lamang.Ito ay isang imahinasyon at kathang-isip lamang kaya ito ay karapat-dapat. Pwede rin dito makapulot ng magagandang aral.Maaari nating gamitin ang isa o higit pang mga hayop sa isang pabula dahil ang mga hayop ay nakakakuha ng atensyon ng mga bata.
Sabi ng iba,masama daw ang paggamit ng hayop sa isang pabula ngunit para saamin hindi magkakaroon ng pabula kung saan ang mga bata ay natututo.Hindi naman lahat ng paglalarawan sa mga hayop sa pabula ay totoo.Gaya ng sabi namin,ang mga ito ay isang kathang-isip lamang para sa mga taong kailangan pangaralan.Baka hindi sila sang-ayon dahil iyon ang kanilang opinyon maaari rin na ito ay kanilang mga pinaniniwalaan.
Karapat-dapat man o hindi ang paggamit ng hayop sa pabula,isa lang ang sigurado kami na ang mga pabula na ito ay pwendeng maghatid ng magagandang aral sa buhay ng mga tao lalo na sa mga bata.Pwedeng ang ibang tao ay hindi sang-ayon sa paggamit ng mga hayop sa isang pabula dahil naniniwala sila na masama ang pag bigay ng karakter sa mga hayop.Pagkatandaan natin na may sarili o iba-iba tayong paniniwala o opinion at dapat natin iyong i-respeto.
Comments
Post a Comment